Tarictic Festival sa Polillo, umarangkada na
Celebrations and Festivals

Tarictic Festival sa Polillo, umarangkada na

Mar 23, 2026, 8:08 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

Isang grandyosong pagtatanghal na napuno ng makulay na parada, magiliw na sayawan, at tugtugan sa isinagawang Tarictic Festival Grand Parade ng Polillo, Quezon, noong Martes, March 17.

Matapos magpakitang-gilas dito ng iba't ibang mananayaw at banda, sinundan ito ng Tarictic Dance Portrayal Competition, kung saan nagpatuloy ang masiglang paligsahan ng mga grupo na nagpapakita ng malikhaing interpretasyon ng kilos at katangian ng tarictic sa sayaw at ritmo.


Hindi ito basta simpleng selebrasyon: ito ay sumasalamin sa pagkakaisa ng komunidad at sa pagmamalasakit sa natatanging biodiversity ng isla, lalo na ang tarictic hornbill (Penelopides manillae) na endemic sa Polillo Islands.


Ang nasabing ibon ay ginawang simbolo ng pagdiriwang upang itaguyod ang konserbasyon at pagmamalaki sa likas na yaman ng lugar.


Ang tarictic hornbill ay pinangangalagaan ng Republic Act No. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act), kung saan ipinagbabawal ang paghuli o pag-aalaga ng nasabing hayop.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.