Papatapos na ang Amihan season, kaya’t abala na naman ang maraming Quezonin sa paghahanap ng mga destinasyong puwedeng pasyalan kasama ang pamilya’t barkada.
Isa sa mga pinakapinag-uusapang lugar ngayon ay ang Tumiis Peak Love Lock sa isla ng Alabat, Quezon – tampok hindi lang ang ganda ng kalikasan kundi pati ang kakaibang karanasan na hatid ng tinaguriang “Love Lock” spot.
Sa Tumiis Peak, hindi kailangan ng malaking gastusin para makaranas ng summer adventure kung saan sasalubungin ka ng tanawing dagat, mga burol, at preskong hangin.
Sa mismong peak, matatagpuan ang pusong hugis na love lock structure kung saan maaaring ikabit ang kandado bilang simbolong inyong pagmamahalan.
Maaaring bumili ng kandado sa lugar, isulat dito ang inyong mga pangalan, at ipako ito bilang pangako ng samahan.
Bukod sa iconic spot na ito, tampok rin ang mga lokal na pagkain na iniaalok ng mga residente.
Patok din ang Tumiis Peak para sa mga mahilig sa photography, lalo na tuwing sunrise at sunset – perfect para sa social media posts.
Nagpaalala naman ang mga lokal na opisyal na magdala ng sapat na tubig, magsuot ng komportableng pananamit at sapatos, at magdala ng sariling lalagyan ng basura upang mapanatiling malinis ang Tumiis Peak.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

