Tangerine Chocolate ng Gumaca
Quezon

Tangerine Chocolate ng Gumaca

Mar 12, 2026, 3:15 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Patuloy na pinapatunayan ng bayan ng Gumaca, Quezon ang galing nito hindi lamang sa larangan ng kultura at kasaysayan, kundi maging sa paglikha ng mga kakaibang produktong tiyak na tatatak sa panlasa ng bawat Pilipino.

Isa sa mga tampok na produkto ng Gumaca ay ang Tangerine Chocolate, isang kombinasyon ng tsokolate at tangerine na patuloy na sumisikat sa mga bisita mula sa iba’t ibang lugar.


Ang Tangerine Chocolate ay gawa ng Four K Kakao Farm na matatagpuan sa ika-apat na distrito ng lalawigan.


Ang mga cacao beans na ginamit dito ay binibili mula sa mga magsasaka sa Quezon, kabilang ang mga miyembro ng Kakao Integrated Development for Livelihood and Transformation (KIDLAT).


Mayroon din itong sariling 16-ektaryang taniman ng cacao kung saan nakatanim ang mga uri ng UF18 at BR25.


Bukod pa rito, mayroong cacao processing facility sa Gumaca na itinayo sa suporta ng Department of Agriculture (DA) Calabarzon, na nagbibigay ng kagamitan para sa paggawa ng tsokolate.


Ayon sa mga lokal, ang Tangerine Chocolate ay gawa sa sariwang tangerine na inaani mula sa mga bukirin ng Quezon at hinahaluan ng de-kalidad na cacao.


Ang bawat kagat ay nag-aalok ng kakaibang timpla ng tamis at asim, na sinasabing “perfect panghimagas” at patok na pangregalo, lalo na tuwing panahon ng pista o espesyal na okasyon.

Bukod sa kakaibang lasa, binibigyang-diin din ng mga gumagawa nito ang suporta sa mga lokal na magsasaka at negosyante, dahil lokal ang lahat ng sangkap na ginagamit.


Mabibili ang Tangerine Chocolate sa mga pasalubong center, coffee shop, at pamilihan sa bayan ng Gumaca at mga karatig-bayan.


May ilang nagbebenta rin online upang mas mapalawak ang abot ng produkto.


Hindi lamang sa mga lokal na pamilihan matatagpuan ang Tangerine Chocolate. Tampok din ito sa mga food expo sa loob at labas ng Quezon, kung saan ipinagmamalaki ng mga gumagawa ang kanilang natatanging produkto sa mas malawak na merkado.


Lalo pang sumisikat ang Tangerine Chocolate dahil aktibo itong pinopromote ni Governor Angelina "Doktora Helen " Tan bilang bahagi ng adbokasiya ng lalawigan na suportahan at palakasin ang mga lokal na produkto.


Sa tulong ng administrasyon ni Tan, nabibigyan nang mas malawak na exposure ang Tangerine Chocolate sa mga trade fair at food expo.


Para sa mga mahilig sa matamis na may kakaibang twist, hindi dapat palampasin ang Tangerine Chocolate—ang bagong paboritong tsokolate ng mga Quezonin!

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.