Nagpahanga ang tatlong pambato ng lungsod ng Santa Rosa sa ginanap na Philippine National Badminton Open 2026 noong July 6 hanggang 12 sa Mandaluyong City.
Nakapagtala ng sunod-sunod na panalo sina Solomon Padiz Jr., Arjay Philip Lazareta, at Precious Dianne Libaton kung saan nanaig ang kanilang husay sa paglalaro ng badminton.
Nakamit ni Padiz ang gintong medalya katuwang ang kapareha niya na si July Villabre, para sa finals match ng Open Men’s Doubles.
Hindi rin nagpahuli sa parehong kategorya si Lazareta na nakakuha ng bronze medal katulong ang kapwa atleta na si Ryan Mendoza.
Tagumpay naman sa mga kababaihan ang natupad ni Libaton dahil sa nasungkit na bronze medal kasama si Susmita Ramos, para sa kategoryang Open Women’s Doubles.
Ipinagmamalaki tuloy ng lokal na pamahalaan ang ipinamalaas nilang world-class talent, determination, at sportsmanship.
“Your achievements continue to inspire the next generation of Batang Leon and bring great pride to our city.”
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

