Isang residente ng Santa Rosa City, Laguna ang naiulat na nalunod habang isa pa ang nailigtas sa Lingayen, Pangasinan nitong bisperas ng Bagong Taon.
Dead on arrival sa ospital ang nasabing residente, edad 19 anyos, matapos tangayin ng malalakas na alon habang lumalangoy sa dalampasigan ng Lingayen, noong December 31, 2024, ayon sa ulat ni Pangasinan Police Provincial Office information officer P/Lt. Trisha Mae Guzman.
Isa namang 13-anyos na residente rin ng nasabing lungsod ang nailigtas naman ng mga tauhan ng Lingayen Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).
Isa pang 16-anyos na taga-La Paz, Tarlac rin ang nalunod sa nasabing insidente, kung saan narekober ang bangkay nito ngayong Miyerkules, January 1, 2025.
Nagpatupad ang mga awtoridad ng temporary no-swimming policy sa dalampasigang sakop ng Lingayen dahil sa malalakas na alon sa nasabing lugar.
(Ulat mula sa Philippine News Agency)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews