BATANGAS CITY — Dahil sa malaking potensyal na nakikita ng bansang Switzerland sa industriya ng cacao sa Lalawigan ng Batangas, isang Konsultasyonang Pagpupulong ang idinaos noong Huwebes, April 25.
Ginanap sa conference room ng Opisina ng Provincial Agriculturist sa Barangay Bolbok sa lungsod na ito, ang pagpupulong upang palakasin pa ang industriya ng cacao. Ito ay nagbukas ng mas malaking pagkakataon para sa lalawigan, lalo na para sa mga magsasaka ng cacao nito,
Layunin din nito na palakihin ang produksyon sa mas mataas na kalidad upang pumantay sa mga produktong pang-export at hikayatin ang publiko na pasukin ang industriya ng cacao.
Bilang kinatawan ni Gov. Hermilando Mandanas, pinangunahan ni Provincial Administrator Wilfredo Racelis ang pagtitipon kasama ang mga kinatawan ng Embahada ng Switzerland na sina Deputy Head of Mission Céline Fürst at Head of Economic and Trade Advisory Kent Primor.
Nakilahok din dito ang ilang mga miyembro ng Batangas Cacao Growers Association, opisyal ng Auro Chocolate, at mga kawani mula sa sa provincial government offices.
Samantala, dinalaw nila ang mga taniman ng cacao sa Barangay Pangao sa Lipa City, ang Leon Philippe Industries, Inc. at sa Barangay Bubuyan, Mataas na Kahoy, ang Vin Vie Integrated Farm.
#WeTakeAStand #OpinYon #CacaoIndustrysaBatangas