Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang isa sa mga hinihinalang sangkot sa pamamaril na naganap sa Lopez, Quezon, kasunod ng masusing follow-up operation at negosasyon ng mga pulis.
Kinumpirma ng Lopez Municipal Police Station (MPS) na hawak na nila sa kanilang kustodiya ang naturang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.
Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang pagtugis ng mga otoridad sa isa pang kinasasangkutang suspek na pinaniniwalaang may kaugnayan din sa nasabing insidente.
Matatandaang noong April 10, 2026, isang insidente ng pamamaril ang naganap sa Barangay Danlagan na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang tao.
Sa ngayon, isinasapinal na ng mga otoridad ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga sangkot habang tuloy-tuloy ang kanilang malalimang imbestigasyon.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

