Suspek sa pamamaril, nanlaban sa pulis, patay
Death

Suspek sa pamamaril, nanlaban sa pulis, patay

Sep 9, 2025, 5:52 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang lalaking namaril umano ng dalawang tao sa Santa Rosa, Laguna ang napatay matapos makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis ngayong Linggo, August 31.

Kinilala ni Laguna Police Acting Provincial Director P/Col. Jonar Yupio ang suspek na si alyas "Nestor," residente ng naturang lungsod.

Batay sa paunang ulat ng Santa Rosa City Police, bandang alas-otso ng umaga nang biglang hinabol ng baril ni alyas "Nestor" ang isa sa mga biktima na kinilala lamang sa alyas "Victor" na nakatayo lamang sa isang kalsada sa loob ng isang subdivision sa Barangay Labas, Santa Rosa City.

Isang residente na kinilalang si alyas "Dexter" ang nagtangkang umawat sa suspek ngunit pinagbabaril din siya ng suspek, dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Nagtangkang tumakas si alyas "Victor" ngunit nahabol siya ng suspek at pinagbabaril ito.

Nang dumating ang mga tauhan ng Santa Rosa City Police Station na rumesponde sa insidente ay pinaputukan rin sila ni "Nestor."

Gumanti ng putok ang mga pulis, dahilan upang tamaan ang suspek sa kanyang katawan.

Dead on arrival sa ospital sina alyas "Victor" at alyas "Nestor" matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan.

Lumabas naman sa inisyal na pagsisiyasat na personal na galit umano ang dahilan ng pamamaril ni "Nestor" sa biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.

(Ulat at larawan mula sa Laguna Police Provincial Office)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.