Isang suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo ang nasawi matapos umanong lumaban sa mga pulis habang isinasagawa ang hot pursuit operation sa Lucena City, Quezon noong February 12.
Ayon sa ulat ng pulisya, ninakaw umano ng suspek ang motorsiklo ng isang delivery rider sa Barangay Mayao Crossing habang ito ay abala sa paghahatid ng parsela.
Sa pagtakbo ng mga awtoridad para habulin ang suspek, nakita pa rin itong nakasakay sa ninakaw na motorsiklo at hinabol hanggang sa makorner ito sa Talao-Talao–Dalahican bypass road sa Barangay Mayao Parada, kung saan nagkaroon ng palitan ng bala.
Nakuha sa lugar ng insidente ang ninakaw na motorsiklo pati na rin ang isang .38 revolver.
Bukod pa rito, natuklasan na mayroon nang standing warrant of arrest laban sa suspek kaugnay ng isa pang kaso ng pagnanakaw.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

