Suarez sa mga Quezonin Magpatuloy sa pag-iingat kontra Covid-19 photo UNTV
Quezon

Suarez sa mga Quezonin: Magpatuloy sa pag-iingat kontra Covid-19

Jan 12, 2022, 6:22 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

Ipagpatuloy ang pagtupad sa mga health protocol. Ito ang panawagan ni Quezon Governor Danilo Suarez sa mga residente ng lalawigan kasabay ng muling pagsirit ng mga kaso ng Covid-19 sa nakalipas na mga araw.

Sa isang pahayag na inilabas ni Suarez noong January 10, binanggit niyang bagama’t mataas ang vaccination rate sa lalawigan, hindi pa rin naiwasan ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lalawigan dahil sa pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong lugar nitong nakaraang buwan.

Aniya, naging maganda naman ang pagsalubong sa Bagong Taon ng buong lalawigan dahilan sa mahigit 700,000 na ang naitalang bilang ng mga mamamayang fully vaccinated na habang 34,000 naman ang naturukan na ng booster shot.

Sa ngayon, 655 na ang naitalang aktibong kaso ng Covid-19 sa buong Quezon.

Muling pinaalalahanan ni Suarez ang publiko na magkaisa sa pagsunod sa mga minimum health standards na itinakda ng IATF tulad ng pagsusuot ng facemask, paghuhugas ng kamay at pagsasagwa ng social distancing sa mga matataong lugar.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang gobernador sa mga frontliners at healthcare workers ng probinsya sa patuloy na serbisyong kanilang ibinibigay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Sa huli ay tiniyak ni Suarez na ginagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang lahat upang masigurado ang kaligtasan ng bawat isang mamamayan at upang maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay.

Sa kasalukuyan, nasa Alert Level 2 status ang buong lalawigan ng Quezon habang nasa Alert Level 3 naman ang lungsod ng Lucena, hanggang January 15.

Tags: #QuezonProvince, #opinyonnews, #opinyonquezon


More about Quezon

SLSU College of Medicine Building to rise in Lucban, Quezon

SLSU College of Medicine Building to rise in Lucban, Quezon

4 hours ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.