Suarez, kinuwestyon ang mataas na halaga ng langis
DOE

Suarez, kinuwestyon ang mataas na halaga ng langis

Mar 25, 2026, 2:19 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Kung sapat ang suplay ng mga produktong petrolyo sa bansa, bakit naging mabilis ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis noong nakaraang linggo?

Ito ngayon ang tanong ni Quezon 2nd District Representative at House Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez matapos ang "big-time" oil price hike noong March 10.


Sa isang pahayag sa kanyang social media account kamakailan, pinuna ni Suarez ang umano'y "mabagal na proteksyon" ng pamahalaan sa mabilis na epekto ng pagtaas ng presyo ng langis na dulot ng nagpapatuloy na digmaan sa Gitnang Silangan.


Ito'y matapos ianunsyo mismo ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na sapat umano para sa 50.5 araw ang supply ng diesel, 51.5 araw para sa gasolina at fuel oil, 67.5 araw para sa kerosene, 58 araw para sa jet fuel, at 29 araw para sa LPG.


Bagama’t pinuri ni Suarez ang pagtitiyak ng sapat na inventory, iginiit niyang kailangan pa rin ng konkretong hakbangin para sa mga consumers.


Binigyang-diin ng deputy speaker ang hindi pagkakatugma ng seguridad sa supply at ang agarang pasanin ng mga mamimili.


Hiniling niya ang higit na transparency, katarungan, at mas mabilis na aksyon mula sa gobyerno sa gitna ng pabago-bagong presyo ng langis sa world market.


Isinumite ni Suarez ang House Resolution No. 852 na humihiling ng agarang imbestigasyon sa biglang pagsirit ng presyo ng fuel, batayan ng pagbabago sa presyo sa mga gasolinahan, at sapat na proteksyon para sa mga mamimili.


Hinikayat din niya ang Department of Energy (DOE) na magsumite ng detalyadong ulat sa Kongreso ukol sa galaw ng presyo, inventory, at legal na batayan ng mga emergency measures.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #DOE #OilPriceHike #PriceIncrease


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.