STO TOMAS City – Nakiisa ang pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, sa pag-obserba ng Women’s Month ngayong taon sa pamamagitan ng powerwalk.
Sinalihan ang powerwalk o magkakasamang paglalakad ng mahigit limang daang (500) kababaihan sa lungsod na nagpapakita ng kanilang lakas, katatagan, at mga tagumpay noong Martes (12 March 2024).
Hindi rin nagpahuli si Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Tanglaw Tomasino President Liza Marasigan at mga kasapi nito, miyembro ng Rural Improvement Club (RIC), 4Ps members at mga kawani ng lokal na pamahalaan sa naturang aktibidad.
Sa inorganisang programa ng City Social Welfare and Development Office ay nabigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na i-avail ang iba pang libreng serbisyo gaya ng referral sa trabaho, legal consultation, butong pananim, medical consulatation, community pantry, gupit at masahe.
Nagkaroon din ng talakayan para sa tamang pangangalaga sa mental health at women empowerment sa pangangasiwa nina Ms. Mariflor Gatchalian, RPSY ng Perpetual Help Medical Hospital at Mr. Ray Andrew Villafuerte, DSWD PDOIII.
Magpapatuloy rin sa mga susunod na araw ang pagbaba ng lokal na pamahalaan sa iba't ibang barangay upang bigyan ng capability-building seminar ang sektor ng mga kababaihan sa lungsod.
#WeTakeAStand #OpinYon #Powerwalk #WomensMonth