SSS, pinaigting pa ang RACE campaign sa San Pedro City
SSS

SSS, pinaigting pa ang RACE campaign sa San Pedro City

Sep 24, 2025, 2:45 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Muling pinaalalahanan ng Social Security System (SSS) ang mga establisyimento sa San Pedro City, Laguna na tuparin ang kanilang tungkulin sa paghuhulog ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Pinangunahan ng mga kawani ng SSS ngayong Huwebes, September 18, ang Race After Contribution Evaders (RACE) campaign sa iba’t ibang mga business establishment sa San Pedro City.

Aabot sa siyam na “delinquent” establishment ang binigyan ng show cause order ng SSS dahil sa hindi nila pagtupad sa kanilang obligasyon na mag-remit ng kontribusyon para sa kanilang mga empleyado.

Binigyan ng 15 araw ang mga may-ari upang sumunod sa kasunduan na bayaran ang kanilang utang sa naturang ahensya.

Ilan lamang sa mga nasita ang dalawang clinic, dalawang kainan, isang construction company, isang pet store, at isang drugstore.

Ang mga negosyong mapapatunayang lumabag sa Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 ay maaaring humarap sa anim hanggang 12 taon na pagkakakulong at P5,000 hanggang P12,000 na karampatang multa.

Paalala ni Rey Untiveros, head ng SSS San Pedro, mahalagang sumunod ang mga delinquent employers para sa kapakanan ng mga empleyado dahil benefits nila ang nakasalalay.

Dagdag pa niya, malaki o maliit man ang isang negosyo ay maaari pa ring mapabilang sa kanilang RACE campaign kung sila ay makikitaang nagkulang sa pagsunod sa Social Security Law.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #SSS #RACECampaign


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.