‘Squatter’ sa sariling lupa?
Quezon

‘Squatter’ sa sariling lupa?

Feb 24, 2026, 7:52 AM
Jane Hernandez

Jane Hernandez

Contributor

Patuloy na kinakaharap ng mga residente sa isang resettlement area sa Tayabas City ang matagal nang suliranin sa kawalan ng malinaw na titulo ng lupa, dahilan upang mangamba ang ilan sa seguridad ng kanilang paninirahan.

Nagsagawa ng pulong ang mga residente at lokal na pamahalaan upang talakayin ang planong pagsasaayos ng paglilipat ng titulo sa pangalan ng mga lehitimong miyembro ng homeowners association.


Layunin nitong maresolba ang matagal nang usapin sa legal na pagmamay-ari ng lupa at matiyak ang karapatan ng mga naninirahan sa lugar.


Ipinaliwanag din sa mga residente ang mga obligasyong dapat nilang tuparin upang maisulong ang proseso, kabilang ang pagsunod sa patakaran ng pamahalaan at ng samahan.


Matagal na umanong hinahangad ng mga residente ang pagkakaroon ng sariling titulo ng lupa, na itinuturing nilang mahalagang hakbang upang magkaroon ng katiyakan sa kanilang tirahan at maiwasan ang posibleng alitan sa pagmamay-ari ng lupa sa hinaharap.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.