Soon to Rise: Makabagong Pamilihan ng Sariaya
Quezon

Soon to Rise: Makabagong Pamilihan ng Sariaya

Feb 12, 2026, 5:36 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Simula na ang paghakbang patungo sa pagiging moderno ng Pamilihang Bayan ng Sariaya matapos na ilabas ng lokal na pamahalaan ang pahayag na nasa paunang yugto na ang matagal nang plano nitong gawin.

Ayon sa pahayag, umaayon ang proyekto sa Comprehensive Development Plan (CDP) ng bayan at mga nakaraang Executive-Legislative Agenda ng LGU sa ilalim ni Mayor Marivic Gayeta.


Ipinakita rin sa datos mula sa Sariaya Public Information Office ang kasalukuyang kalagayan at binatikos na konsepto ng makabagong pamilihang bayan.


Kasalukuyang kalagayan

Ang kasalukuyang pamilihang bayan ay nahaharap sa iba't ibang problema kabilang na ang kawalan ng maayos na parking spaces para sa jeepney at tricycle.


Mayroon din itong pagsuway sa National Building Code dahil ang mga materyales na ginamit ay hindi angkop at nagdudulot ng panganib sa sunog.


Walang maayos na septic tank at sewage treatment plant ang nasabing palengke, habang halo-halong pwestuhan naman ang mga tindahan.


Ang mga daanan ng mga mamimili ay masikip at kulang sa koordinadong seguridad, bukod pa sa mapaik at hindi angkop na disenyo ng drainage system.


Konsepto

Ang makabagong pamilihang bayan ay magkakaroon ng maayos na parking spaces para sa pribado at pampublikong sasakyan sa Public Transport Terminal.


Gagamit ito ng makabagong materyales na sumusunod sa Bureau of Fire at National Building Code, kasama na rin ang magagamit na fire protection system.


Magkakaroon din ito ng moderno at makakalikasan na sewage system at sewage treatment plant (STP).


Maayos na ipapangkat ang mga pwestuhan ng mga tindahan kasama ang 24/7 centralized security system.


Bubuuin ito ng maaliwalas na daanan para sa mga mamimili at may tamang disenyo ng drainage system, pati na rin ang maayos na opisina para sa Public Market Administration at iba pang kaugnay na tanggapan.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.