Snatcher, tiklo sa Calauan
Arrest

Snatcher, tiklo sa Calauan

Nov 26, 2025, 6:57 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Paalala ng mga awtoridad sa publiko: mag-ingat sa mga nagpapanggap na nanghihingi ng tulong para makapag-transact sa digital money platforms.

Ito na kasi ang modus na ginagamit ng ilang mga kawatan, gaya ng kasong ito ng isang snatcher na nahuli sa Calauan, Laguna nitong nakaraang Miyerkules, November 19.


Ayon sa salaysay ng biktima na kinilalang si alyas "Necida," 64 anyos at residente ng Barangay Bangyas ng nasabing bayan, lumapit umano sa kanyang tindahan ang suspek na kinilalang si alyas "Roy" at nagpatulong para magpa-cash in sa isang online money platform.


Nang makumpleto na umano ang transaksyon ay ipinakita ni alyas "Necida" ang proof of transaction sa suspek, ngunit laking gulat niya nang biglang hablutin ng suspek ang cellphone na hawak niya.


Nagtangkang tumakas si alyas "Roy" matapos nakawin ang cellphone ngunit hindi niya napaandar ang motorsiklong ginamit niya, dahilan upang madakip siya ng mga rumespondeng residente.


Nabawi naman ang cellphone ng biktima mula sa suspek na nahaharap ngayon sa kasong robbery.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.