Sinu-sinong mga opisyal ang pinagkakatiwalaan sa Laguna?
OpinYon Laguna

Sinu-sinong mga opisyal ang pinagkakatiwalaan sa Laguna?

Jun 23, 2026, 6:44 AM
Jeremy Rago

Jeremy Rago

Contributor

Sa kabila ng kaliwa’t kanang pag-aalinlangan sa liderato ng bansa, nailabas na ang resulta ng survey ng RPMD Foundation Inc. “Boses ng Bayan” Governance Assessment na ginawa mula April 1 hanggang 8.

Kilala ang RPMD o RP - Mission and Development Foundation Inc. sa pagsukat ng antas ng pagtitiwala at satisfaction rating ng taumbayan sa mga pampublikong opisyal ng Pilipinas at isa na rito ang "Boses ng Bayan" initiative.


Pinakamataas ang nakuhang Index of Governance (IOG) ni Biñan City Mayor Gel Alonte na nakakuha ng 84.6-percent IOG, na katumbas ng 84.5-percent Trust at 84.7-percent Performance rating.


Kasama niyang pumangatlo sa “Top City Mayors with Exceptional Trust and Governance Ratings" spot si Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas na nakakuha naman ng 83.8 percent IOG.


Panglima naman si San Pedro City Mayor Art Mercado (81.6 percent IOG), habang pang-pito si Cabuyao City Mayor Dennis Hain (78.9 percent IOG) at pangsiyam naman si San Pablo City Mayor Najie Gapangada (75.8 percent IOG).


Samantala, pumangatlo naman sa mga gobernador sa Calabarzon si Laguna Governor Sol Aragones na may 73.1 percent IOG.


Pagdating naman sa mga kinatawan natin sa Kongreso, nanguna si 1st District Representative Ann Matibag na may 87 percent IOG.


Sumunod naman sa listahan si 2nd District Representative Ramil Hernandez (79.9 percent IOG), habang nakuha naman ni 4th District Representative Benjie Agarao ang ika-12 pwesto matapos magkamit ng 72.1 percent IOG.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.