Nagtawag si presidential aspirant, Manila Mayor Isko Moreno—at sinama pa ang dalawang aspirants sa position na sina Senator Ping Lacson at dating Defense Secretary Norberto Gonzales nung panahon ni GMA (kasama pa ang vice presidential aspirants na si Doc Willie Ong na partner ni Isko at Senate President Tito Sotto)—ng presscon noong Easter Sunday sa Manila Peninsula at may mahalagang anunsiyo raw.
Dali daling pumunta ang mga media—iniwanan ang mga pamilya at kaanak sa Easter celebration—upang alamin kung ano ang pasabog.
Ayun pala ang sasabihin lang ay may mga tao sa kampo ni VP Leni Robredo na hinihiling daw ang kanilang withdrawal sa race upang ma solidify ang vote ng opposition laban sa survey frontrunner. Si Gonzales na siyang laging tailender sa mga survey (at 0.04 percent) ang nagsabi pa na tutal lagi lang si VP Leni nasa number 2 baka pwede siyang magbigay daan para ang mga boto ay ma share sa kanila. (Ano kaya inisip nila kay VP Leni, baliw?).
May isang reporter ng tablod na nanggatong pa na claim raw ni VP Leni na pag siya ay natalo magkakagulo (ala EDSA People Power). Saan kaya niya nadampot yun. Yung reporter ay taga pahayagang ang may-ari ay kamag-anak ng frontrunner. Sagot naman ng mga nagpa presscon ay hindi yun pwedeng magkatotoo. (Tanong ng mga tao sino kaya ang nagbayad ng presscon sa isang 5-star hotel na yun).
Ang final salvo pa ni Isko ay dapat mag withdraw si Leni kung gusto niya maging hero. (Bakit kaya hindi siya ang nag sacrifice at magpaka hero tutal naman palagi lang siya number 3 at pataas).
Dinedma
Hindi siya pinatulan ng kampo ni VP. Bagkus nag clarify lang si Barry Gutierrez, spokesman ni VP, na kailanman wala si VP o kahit sinuman sa kaniyang kampo ang lumapit sa kahit kanino sa kanila upang pakiusapan na umatras.
Nabigla sina Sens. Lacson at Sotto sa ibinunyag ni Isko na withdraw Leni. Wala raw ganitong usapan kahit kailanman. Pati na rin ang runningmate ni Isko na si Doc Willie ay nagtaka paano ito nangyari.
Nagreact ang mga Leni supporters sa socmed
Natural lang na ang mga tens of thousands of supporters ni Leni ay nagalit sa sinabi ni Isko at nadamay pa yung iba. Ang sunod na eksena ay inaccuse ni Isko na ang mga ‘trolls’ ni VP Leni ang nagpapalabas ng mga photos niya na kasama si Marcos Jr. sa pagkain at iba pang okasyon. Mga elitista raw sila.
At nagmatigas pa siya. Hhanggang ngayon dinedare niya si VP na umatras bilang isang “supreme sacrifice.” Ano siya hilo? At di ba sa patuloy niyang pagdemolish kay VP Leni sa FB, Twitter at iba pang social media e siya talaga ang matuturing na bully.
Masasakit na salita pa ang binubunyag niya laban kay VP hanggang ngayon kaya ang mga netizens ay nagtataka na kung ginawa ba ni Isko ang presscon upang i-divert ang mga banat kay Marcos Jr. kay VP? Gusto niya atang magalit ang mga tao kay VP at mawala kay Marcos. Tila ata supporter at spokesman na siya ni Marcos Jr. at may mga post na nagsasabi na pinalitan na si Atty. Vic ni Isko
Di tuloy matigil ang mga spekulasyon na baka kaya ginagawa ni Isko ito ay dahil: 1) may promise na position sa kaniya si Marcos sakaling manalo ito o 2) binayaran siya para gawin ito at di siya aatras para tuloy pa rin ang mga sponsors niya sa pagbigay ng pondo sa kaniya.
Classic irony
Isang classic irony lang na sa dami ng pera nila hindi nila makayanan ang laki ng mga rally at caravan ni VP, na wala man lang siyang ginagastos kasi lahat ay boluntarismo ng mga supporters at volunteers niya. Mga tao ang gumagawa ng paraan para magkaroon ng stage, tarps, placards and banners, food, transportation, water, giveaway Tshirts at pamplets at marami pang iba. Samantalang sila, gastos nila lahat (pati na bayad sa attendees, pakain at paghakot na one-way lang patungong venue).
Tila matinding inggit ang nagudyok kay Isko na mag Rambo act sa halalang ito. Madami tuloy sa mga dating supporters at volunteers niya ang nagsilipat at pati na ang maraming undecided ay nagkaroon na ng desisyon kung sino ang iboboto nila. Di ba nag backlash sa kaniya!

