Malaking problema ngayon para sa mga commuter at driver ang matinding pagbabagal sa daloy ng trapiko na dulot ng ginagawang kalsada sa Barangay Puypuy, Bay, Laguna.
Ayon sa mga residente, nagsimula ang nasabing proyekto noon pang Disyembre ng nakaraang taon.
Patuloy na nagiging balakid para sa mga residente ang tila hindi pagsasaayos ng binakbak na kalsada.
Ayon sa pamahalaang lokal ng bayan ng Bay, nagkaroon ng problema sa contractor ang Provincial Engineering Office kaya naantala ang paggawa ng kalsada.
Inasahang matatapos ang naturang proyekto nitong nagdaang 2024, ngunit ngayong nag-Bagong Taon na ay tila wala pa ring progreso.
Batay sa pamahalaang lokal, humingi na sila ng action plan kung paano mapapabilis ang pagsasagawa ng naturang kalsada.
Bilang solusyon, tatabunan na lamang muna ang parte ng kalsada na binakbak upang ito ay muling madaanan.
Samantala, magkakaroon muli ng pag-uusap sa pagitan ng Provincial Engineering Office at ang Lokal na Pamahalaan kasama ang mga opisyal ng TODA kung kailan ito matatapos sa paggawa ng naturang kalsada.
SIniguro naman ng pamahalaang lokal na hindi sila titigil sa pakikipag-ugnayan upang maisaayos ang pagtatapos sa pagpapagawa ng Barangay Puypuy Road.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #RoadRepair