Sinasabing kasabay nang nakalakihan ng mga residente ng Pacita Complex, isa sa mga pinakamalaking housing development sa San Pedro City, Laguna, ang debosyon nila sa Reyna ng Kasantu-santuhang Rosaryo.
Kaya naman hindi na kataka-taka na kinilala kamakailan ng pamahalaang lungsod ng San Pedro ang halaga ng Santo Rosario Parish Church sa pagbubuklod sa mga residente ng Pacita Complex sa nakalipas na mga dekada.
Sa bisa ng City Resolution No. 2024-198 na ipinasa ng Sangguniang Panglungsod kamakailan, kinilala ang Santo Rosario Parish Church at ang imahen ng Reyna ng Kasantu-santuhang Rosario ng Pacita bilang mga "Important Cultural Properties of the City of San Pedro."
Ang Simbahan ng Santo Rosario ay itinayo noong 1983, kasabay ng pagdagsa ng mga residente sa noo'y bagong residential developments sa Pacita Complex.
Sa nasabing simbahan ay nakalagak ang isang imahen ng Birheng Maria sa kanyang Marian Title na Queen of the Most Holy Rosary, isang pinaka-iingatang yaman ng mga residente ng Pacita Complex na anila'y susi sa kapayapaan at kaunlaran ng pinakamalaking residential complex sa lungsod ng San Pedro.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #SantoRosarioChurch