Caught in the act ang isang pinaghihinalaang shoplifter sa loob ng isang department store sa San Pablo City nitong nakaraang Lunes, September 8.
Kinilala ng San Pablo City Police Station ang suspek na si alyas "Dexter," 56 anyos at residente ng Barangay Santo Angel ng nasabing lungsod.
Nahuli ang suspek ng isang security guard sa loob mismo ng nasabing department store na matatagpuan sa San Pablo City Shopping Mall bandang alas-kwatro ng hapon ng Lunes.
Ayon sa security guard na kinilalang si alyas "Junar," nagmamasid siya sa loob ng department store nang maaktuhan niya ang suspek na may dalang wrench at papunta sa isang CCTV blind spot sa loob ng tindahan.
Nang lapitan niya umano si "Dexter" at tinanong kung kailangan niya ng tulong, tumanggi umano ang suspek at nagtangkang umalis sa lugar.
Dito na naghinala ang security guard at nagsagawa ng frisk search, kung saan narekober ang dalawang screw at isang lightbulb mula sa suspek.
Nakadetine na sa San Pablo City Police Station si "Dexter" na nahaharap ngayon sa kasong theft.
(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews