Malagim sa simula sa Mahal na Araw ang sumalubong sa mga residente ng Barangay 2-C sa San Pablo City, Laguna matapos matupok ang kanilang mga bahay noong nakaraang Linggo ng Palaspas, March 29.
Isang 62-anyos na senior citizen ang nasawi sa nasabing sunog na nagsimula bandang 1:10 ng hapon, ayon sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Samantala, limang tao, kabilang ang tatlong senior citizen, ang nasugatan.Aabot naman sa 19 pamilya o 78 indibidwal ang naapektuhan ng sunog.
Kaagad namang nag-deploy ang San Pablo CDRRMO ng mobile kitchen upang magbigay ng tulong sa mga apektadong residente na nanuluyan sa barangay hall matapos ang insidente.
Personal ring bumisita si Mayor Najie Gapangada sa mga naapektuhan upang kumustahin ang kanilang kalagayan at tiyakin ang agarang tulong para sa kanila.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa posibleng sanhi ng sunog, gayundin ang halaga ng mga natupok na ari-arian.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

