Senior citizen na biktima ng hit-and-run pumanaw na
Death

Senior citizen na biktima ng hit-and-run pumanaw na

Mar 14, 2024, 3:41 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

SAN JOSE, Batangas – Binawian na ng buhay ang isang 63-anyos na senior citizen matapos masagasaan sa hit-and-run sa bayang ito noong Miyerkules (28 Feb 2024).

Nangyari diumano ang insidente noong Miyerkules ng gabi sa Barangay Banay-banay.

Ayon sa kapulisan, hindi na nakapagsalita ang biktima nang madiskubre ng medical team na nakahandusay ito sa kalsada na may mga sugat sa katawan.

Dinala siya sa ospital subalit pumanaw din makalipas ang ilang oras.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, tumatawid diumano ang biktima mula sa isang tindahan nang biglang ma-hit and run ng isang sasakyan na hindi huminto.

Wala umanong CCTV sa lugar at madilim din ang paligid.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang nakabangga sa biktima, na dadalhin ang mga labi sa Quezon province.

Sinusubukan pa ng mga awtoridad na makipag-ugnayan sa pamilya ng biktima para sa impormasyon, ayon sa ulat.

#WeTakeAStand #OpinYon #HitAndRun


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.