Sen. Imee Marcos, dinumog ng mga Quezonian sa Women's Month event
NATIONAL WOMENS MONTH

Sen. Imee Marcos, dinumog ng mga Quezonian sa Women's Month event

Mar 12, 2025, 6:05 AM
BOSES NG BARANGAY

BOSES NG BARANGAY

Contributor

INFANTA, QUEZON — Dinagsa ng mga residente mula sa bayan ng Real, Infanta, at General Nakar si Senator Imee Marcos sa kanyang pagbisita sa Northern Quezon Auditorium noong Marso 5, 2025, sa bayan ng Infanta Quezon, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Women’s Month.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Senator Marcos ang Expanded Centenarian Act, isang batas na nagpapalawak ng benepisyo para sa mga Pilipinong edad 80 pataas.

Si Marcos ang nag-isponsor ng nasabing batas sa plenary ng Senado.

Sa ilalim ng batas na ito, makatatanggap ng insentibo ang mga senior citizen na aabot sa 80, 85, 90, at 95 taong gulang, bukod pa sa P100,000 cash gift na ibinibigay sa mga umaabot ng 100 taong gulang.

Bukod dito, inilatag din ng senadora ang iba't ibang programang pangkalusugan at pangkabuhayan na layong suportahan ang mga kababaihan at iba pang sektor sa lalawigan.

Dumalo rin sa naturang okasyon sina Quezon Governor Dr. Helen Tan, Vice Governor Third Alcala, Infanta Acting Mayor L.A. Ruanto, Real Mayor Bing Diestro-Aquino, General Nakar Mayor Esee Ruzol, Board Member Julius Luces, at General Elmo Sarona.

Ang pagbisita ni Sen. Marcos ay bahagi ng kanyang patuloy na pagsuporta sa mga lokal na pamahalaan at sa kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ng mga kababaihang Pilipino.


#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #ImeeMarcos #NationalWomensMonthCelebration


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.