BATANGAS CITY — Naging mapayapa ang paggunita ng Semana Santa ngayong taon sa probinsya ng Batangas. Ito ay ayon sa isinumiteng ulat ni Batangas Police Provincial Office Director Colonel Samson Belmonte kay Calabarzon Regional Director Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas,
Bilang preparasyon, mahigit sa 2,000 kapulisan ang idineploy ang Batangas PPO sa mga places of convergence o strategic places. Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga kababayan natin piniling dito gunitain sa probinsya ang kanilang bakasyon sa Semana Santa, pagsasaad ni Belmonte.
Naging katuwang ng kapulisan ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Philippine Red Cross, at mga local government units.
Bukod pa rito, ang mga force multipliers na kabalikat ng PNP sa pagpapatupad ng kaayusan ay kasama rin.
Nagpapasalamat Belmonte sa mga concerned citizens na nakiisa at tumulong sa kapulisan sa kanilang paggampan sa tungkulin.
“Dahil po sa pakikiisa ng ating komunidad sa mga hakbangin at gawain ng kapulisan at iba pang mga ahensya ng gobyerno, mapayapa po nating nairaos ang Semana Santa ngayong 2024. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon,” wika ni Belmonte.
#WeTakeAStand #OpinYon #SemanaSanta2024