Scholarship para sa mga guro, isinusulong
Quezon

Scholarship para sa mga guro, isinusulong

Mar 18, 2026, 7:44 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

Ang mga guro na nagbabahagi ng kaalaman sa ating mga kabataan ay dapat ring mabigyan ng pagkakataon na mapalawak ang kanilang sariling kaalaman.

At upang mas magkaroon ng pagkakataon ang mga guro na makapag-aral muli, isinusulong ngayon ng isang kongresistang Quezonin ang isang panukalang batas na naglalayong gawing institusyonalisado ang pagbibigay ng scholarship grants sa mga guro sa pampublikong paaralan.


Layunin ng House Bill No. 5451 o ang Public School Teachers Scholarship Act ni Quezon 4th District Representative Mike Tan na suportahan ang propesyonal at personal na pag-unlad ng mga guro sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na makapagpatuloy ng pag-aaral, sumailalim sa mga pagsasanay, at magpakadalubhasa sa kani-kanilang larangan.


Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, magkakaroon ng mas malawak na access ang mga guro sa scholarship grants na inaasahang magpapataas sa kalidad ng pagtuturo at magpapalakas sa sektor ng edukasyon sa bansa.


Ayon kay Tan, mahalagang mabigyan ng malinaw at kongkretong suporta ang mga guro lalo na sa harap ng mabigat na trabaho, mababang sahod, at mga bagong hamon sa edukasyon tulad ng blended learning, digital integration, at mental health concerns ng mga mag-aaral.

Photo credits: Atorni Mike's FB Page

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.