Sasakyang kinarnap sa Calamba, natagpuan sa Samar
Crime

Sasakyang kinarnap sa Calamba, natagpuan sa Samar

Aug 28, 2025, 1:32 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Naging malaking tulong para sa may-ari ng isang kotse na tinangay sa Calamba City, Laguna ang GPS tracking device na inilagay niya sa kanyang sasakyan.

Sa ulat ng Calamba City Police Station, personal na nagtungo nitong nakaraang Martes, August 19, ang biktima na kinilala sa alyas na "Benedict," 27 anyos at residente ng Barangay Pansol, upang iulat ang nangyari sa kanyang sasakyan.

Ayon sa biktima, gabi ng August 8 nang madiskubre niyang nawawala ang kanyang puting Toyota Vios sa harapan ng kanilang bahay.

Makalipas ang halos sampung araw, natunton ni "Benedict" ang kinaroroonan ng kanyang sasakyan sa tulong ng GPS device na nakakabit dito.

Ayon sa kanya, nahanap niya ang kanyang kotse sa Calbayog City, Samar, kung saan nadiskubre rin niyang pinalitan ng kawatan ang plate number nito.

Nakipag-ugnayan na ang Calamba City police sa mga pulis sa Calbayog City upang marekober ang sasakyan, habang inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa suspek na hanggang ngayon ay pinaghahanap ng mga awtoridad.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)


#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.