Santa Roseño chess player, wagi sa ‘Battle of the Grandmasters’
Sports/Games

Santa Roseño chess player, wagi sa ‘Battle of the Grandmasters’

Jul 6, 2026, 7:38 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Panibagong karangalan na naman ang nakamit ng lungsod ng Santa Rosa dahil sa ipinamalas na husay ng kanilang pambato sa ginanap na National Chess Federation of the Philippines (NCFP) 2026 National Chess Championship noong Huwebes, July 2.

Hinirang na kampeon si International Master (IM) Jan Emmanuel Garcia matapos madaig ang kinatawan mula sa Cagayan de Oro na si Women International Master (WIM) Ruelle Canino para sa titulong Grandmaster.


Nakapagtala si Garcia ng kabuuang 9.5 puntos sa naturang tournament kung saan nagtapos siya na may 6 wins at 7 draws.


Kabilang sa mga natanggap niya ay ang premyong P150,000 at ang pagkakataon upang mapasama sa Team Philippines na lalaban sa international stage.


Nakatangdang lumipad ang nasabing koponan papuntang Uzbekistan upang sumabak sa 46th Chess Olympiad ngayong Setyembre.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.