Nagtagumpay si Julius Capul, isang Engineering student mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Santa Rosa Campus, sa ginanap na TESDA Worldskills ASEAN 2025 Competition noong Agosto 25-28, 2025 sa World Trade Center Metro Manila at Philippine Trade Training Center.
Bronze medal ang iniuwi niya matapos makipag-sabayan sa kategoryang Electronics, kung saan nasukat ang kanilang kakayahan pagdating sa assembling, wiring, at testing ng electronic systems, pati na rin sa pagdidisenyo ng prototype circuits.
Nakakumpetensiya ni Capul ang mga kalahok mula sa Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, at Singapore na sumabak sa nasabing paligsahan sa mga sektor ng Hotel Reception, Restaurant Service, Mechanical Engineering CAD, at Fashion Technology.
Kasama namang gumabay sa kaniya sa buong kompetisyon si Harold Acosta.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #TESDA #ASEAN2025