Ipinagmamalaki ng lokal na pamahalaan ng Santa Rosa, Laguna ang isa sa mga pambatong atleta nito sa nagdaang 2026 Pan Asian Jiu Jitsu Gi & No Gi International Open.
Nasungkit ni Uzziah Asher Gulay ang hindi lang isa kundi dalawang medalya para sa Jiu Jitsu noong Sabado, June 13.
Ginanap sa Ayala Circuit, Makati City ang naturang paligsahan kung saan kinatawan niya ang NorthSouth Fight Sports.
Unang napasakamay ni Gulay ang silver medal para sa kategoryang Male No-Gi - U21 / Open Belt / -77 kg (Light) laban sa koponan ng United States.
Sumunod naman siyang bumawi sa iisa niya pang match para sa kategoryang Male No-Gi / Blue / Adult / -73.5 kg (Light).
Nagtapos ang kompetisyon sa score na 8-0 dahilan upang hiranging kampeon si Gulay.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

