Hindi lang basta pumasa ang lokal na pamahalaan ng Santa Rosa sa pamantayan ng Department of Energy (DOE).
Ito ay dahil kabilang sila sa mga natatanging sangay ng gobyerno na nakasungkit ng 100% compliance rating matapos ang isinagawang Energy Spot Check noong Martes, March 24.
Ang nasabing aktibidad ay alinsunod pa rin sa inilabas na Memorandum Circular No. 114 ng Office of the President (OP) na nag-uutos na ipatupad ang Government Energy Management Program (GEMP) sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Layunin ng memorandum circular na bantayan at gabayan ang kanilang pagkonsumo sa enerhiya habang nasa trabaho, bilang tugon sa kinakaharap na suliranin sa petrolyo bunsod ng krisis sa Gitnang Silangan.
Kabilang sa mahigpit na sinusunod ay ang iba’t-ibang paraan na inilatag ng OP upang makatipid sa kuryente at fuel consumption, kung saan dapat mababawasan ito ng 10 hanggang 20 porsiyento.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #DOE

