Santa Rosa City, nangunguna sa giyera kontra droga
OpinYon Laguna

Santa Rosa City, nangunguna sa giyera kontra droga

Jun 2, 2026, 2:17 AM
Jeremy Rago

Jeremy Rago

Contributor

Maituturing na malaking tagumpay ang nakamit ng Santa Rosa City, Laguna sa pinaigting nitong kampanya kontra droga.

Ito'y matapos magkamit ang pamahalaang lungsod ng “Highly Functional” rating sa 2026 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit ng Department of Interior and Local Government (DILG).


Naitala ang 95-percent functionality rating ng lungsod, ang pinakamataas sa lahat ng mga lungsod at bayan sa lalawigan.


Kabilang din ang City of Santa Rosa sa apat na local government units sa lalawigan na nakakuha ng “High Functionality Rating.”


Ang ADAC Performance Audit ay taunang pagsusuri ng DILG upang masukat ang antas ng functionality at bisa ng mga Anti-Drug Abuse Council ng mga lokal na pamahalaan.


Sinusukat sa audit na ito ang pagpapatupad ng mga programa, polisiya, plano, at iba’t ibang mekanismo upang matiyak ang mas matatag, organisado, at epektibong laban kontra iligal na droga sa bawat komunidad.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.