Santa Rosa City Council, kinilala ng DILG
OpinYon Laguna

Santa Rosa City Council, kinilala ng DILG

Nov 24, 2025, 7:10 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Maituturing na makasaysayan ang naging pagkilala sa Sangguniang Panlungsod ng Santa Rosa.

Ito'y matapos hirangin noong Martes, November 18, bilang Regional Winner ng Region 4-A sa 2025 Local Legislative Award (LLA) para sa kategoryang Component City.


Ginawaran ng Department of Internal Local Government (DILG) sa unang pagkakataon ang Sangguniang Panlungsod ng Santa Rosa dahil sa mga ordinansa nitong nagsusulong ng kaayusan at pangangailangan ng mga residente at lungsod.


Ayon sa DILG, ang patuloy na pagtataguyod ng Santa Rosa para sa “transparency, accountability at people-centered policymaking” ay isang halimbawa ng epektibong lokal na lehislatibo.


Nakakuha ang sangguniang panlungsod ng 96.5 mula sa isinagawang evaluation ng Regional Awards Committee na layuning suriin ang pamamahala ng mga lokal na sanggunian at bayan sa rehiyon.


Para naman sa pamahalaang lungsod ng Santa Rosa, ang nakuhang parangal ay patunay ng kanilang pagsusumikap na “itaas ang antas ng serbisyo publiko at palakasin ang pundasyon ng sustainable development sa lungsod.”


Pinalapit nito ang kanilang hangarin para sa mas maunlad, mas maayos at mas makataong pamamahala, dagdag anila.


Nauna nang kinilala noong Oktubre ang Santa Rosa bilang Provincial Winner sa 2025 LLA, dahilang para maging kinatawan ng Laguna sa Regional Level.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.