San Pedrense, wagi sa Ginoong Laguna 2024
Pageants

San Pedrense, wagi sa Ginoong Laguna 2024

Mar 25, 2024, 5:41 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang San Pedrense ang natanyag sa unang lungsod ng Laguna sa katatapos na Ginoo at Binibining Laguna 2024 nitong Sabado, March 16.

Sa coronation night na ginanap sa Santa Cruz, Laguna, kinoronahan bilang Ginoong Laguna 2024 ang pambato ng San Pedro City na si Patrick Henry Pagalilauan.



Samantala, kinoronahan naman bilang Binibining Laguna 2024 si Rendelle Ann Caraig na tubong Los Baños.



Itinanghal sa 1st Runner Up sa Ginoong Laguna category si John Krsna Valdellon ng Paete, kasunod sina Roj Casunuran ng Calamba City; Julieto Quevedo Jr. ng Cabuyao City; at Carlos Tipon ng Biñan City.



Nagwagi naman bilang 1st Runner Up sa Binibining Laguna si Polyanna Manalo mula sa bayan ng Magdalena, kasunod sina Arabelle dela Cruz ng Calamba City; Ishah Mae Gordula ng Paete; at Sierra Mhay Manalo ng Santa Rosa City.



Nagpamalas rin ng husay at talento ang iba pang mga San Pedrense na nakilahok sa iba pang mga aktibidad sa Anilag Festival na ginanap mula March 10 hanggang 17.



Nagwagi sa painting contest ng Persons with Disabilities (PWD) Sports Fest si Melvin Acabado, habang itinanghal naman bilang 1st runner up si Kiel Isis Quisido at 2nd runner up si Yanyan Purificacion sa Laguna Lesbian King pageant.

#WeTakeAStand #OpinYon #SanPedrense #GinoongLaguna2024


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.