San Pablo City police binigyan ng mga body camera, gas mask naman sa bumbero photo from San Pablo City Police
PNP

San Pablo City police binigyan ng mga body camera, gas mask naman sa bumbero

Aug 28, 2021, 6:11 AM
Rubin Taningco and Raffy Sarnate

Rubin Taningco and Raffy Sarnate

Writer

Sa hangad na mas mabigyang proteksyon ang mga pulis at bumbero sa San Pablo City, Laguna ay nagkaloob ang pamahalaang lungsod ng mga body camera at gas mask para sa mga alagad ng batas sa lungsod.

SAN PABLO CITY, Laguna – TINIYAK ni Mayor Loreto Amante ng lungsod na ito na ang pagkakaloob ng lokal na pamahalaan ng mga body camera sa himpilan ng pulisya ay upang mapabuti ang serbisyo nito sa mamamayan.

Ito ay naglalayong maiiwas ang mga pulis na mapagbintangang inaabuso ang kanilang kapangyarihan sa pagsasagawa ng kampanya laban sa illegal drugs at iba pang mga labag sa batas na gawain.

Ayon sa punong-lungsod, sa pamamagitan ng mga body camera ay maayos na nairi-record ang bawat kilos ng may suot nito samantalang nagsasagawa ng operasyon laban sa mga sangkot sa pamamahagi at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot, lalo na kung sila ay gumagawa ng mga pag-aresto at kung ang inaaresto ay mayroon taglay na baril o armas.

Samantala, sa pagsasaalang-alang sa panganib sa buhay na kaakibat ng mga gawain ng mga bumbero na sugpuin ang sunog, minarapat ni Mayor Amante na ang San Pablo City Fire Station ay pagkalooban ng 25 yunit ng gas mask filter types for smoke from fire na isang makabagong kagamitan upang ang bumbero ay maproteksyunan laban sa carbon monoxide at iba pang nakalalasong gas.

Personal na tinanggap ni City Fire Marshal Joseph Asi ang mga gas mask mula kay Mayor Amante.(RUBEN TANINGCO and RAFFY SARNATE)

Tags: #OpinYonLaguna, #SanPabloCity, #gasmasks, #bodycamera, #lawenforcement


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.