‘Sampaguita King,’ muling pinaganda ang Malacañang Palace
OpinYon Laguna

‘Sampaguita King,’ muling pinaganda ang Malacañang Palace

May 18, 2026, 8:36 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Mahalimuyak na pagsalubong ang bumungad kay Paraguay President Santiago Peña Palacios matapos itong bumisita sa Malacañang Palace noong May 11.

Kabilang sa mga napansin ng mga bisita ay ang magarbong flower arrangement na gawa sa pambansang bulaklak na sampaguita.


Ang taong nasa likod nito ay walang iba kundi ang “Sampaguita King” ng San Pedro City, Laguna na si Sergio Igonia,


Pinalamutian ng sampaguita strand ang presidential table sa loob ng grand hall kung saan nakasama ni Pangulong Bongbong Marcos si President Peña.


Ayon kay Igonia, sila na aniya ng kaniyang grupo ang laging naahasan tuwing may bibisita na pangulo galing ibang bansa upang gumawa ng naturang flower arrangement.


Marahil patunay na rin sa kahusayan niya ay ang nagbungang business relationship sa Malacañang Palace.


Magbago man kasi ang pangulong nakaupo dito, hindi nawawala ang tiwala nila sa abilidad ni Igonia.


Dagdag niya, hindi madali ang proseso ng pagbuo ng kanilang sampaguita flower arrangement.


Ito ay dahil isa sa mga prayoridad nila ay kung paano mapapanatili ang freshness ng mga bulaklak bago at sa mismong araw ng event.


Pagbabahagi niya, inaabot ng dalawa hanggang tatlong araw ang mismong preparation ng mga naturang bulaklak.


Pagkatapos ay inilalagay nila ito sa isang container na may lamang yelo para mapabagal ang pagkalanta ng mga ito.


Sa kasalukuyan, nagmumula ang ilan sa supply nila ng sampaguita sa mga karatig bayan at probinsya ng Laguna.


Gayunpaman, nananatili pa rin siyang suki ng sampaguita galing sa lungsod ng San Pedro.

(Larawan mula sa Facebook page ni Serge Igonia)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.