Community Whispers by Ray Junia
Community Whispers

Saludo sa mga Ina

May 9, 2022, 11:51 PM
Ray L. Junia

Ray L. Junia

Publisher

Kahapon, Linggo, ay Araw ng Mga Ina. Lahat tayo—meron mang nabubuhay o namatay na ina—ay nakaranas ng pagaaruga ng ating mga nanay. Mula nang sila’y nagdala sa atin sa kinapupunan nila hanggang tayo’y nabubuhay, hindi mawawala kailanman ang kanilang pagmamahal, pagaruga at laging pagiisip sa ating mga kapakanan. Kaya’t minabuti kong umpisahan ang aking kolum sa pagbati sa lahat ng mga ina sa mundo.

Tulad ni Mama Mary, lahat tayo’y nakakaasa sa walang patid na tulong at concern ng ating mga magulang, asawa at mga kapatid na babae. Likas sa mga ina--- na pinakita ni Mama Mary—and pagdadalamhati sa ating mga problema at mga pagkukulang. Ang ating mga ina--- katulad ng inang bayan—ay minsan lang darating sa ating mga buhay. Kaya’t nararapat lang na ating hindi kalimutan ang ating mga ina kailanman sa buhay natin.

Ang ating inang bayan ay naghahanap ng isang pinuno na magaaruga sa kaniyang mga anak, sa kaniyang mga likas na kayamanan at sa kaniyang mga talent. Hindi nito kailangan ang isang mayabang na lider, na sariling ego lang ang pinangangalagaan. Kailangan ng ating inang bayan ang isang aruga ng inang mapagmalasakit, mapag-aruga at laging binibigay ang kaniyang lahat para sa bansa at sa mga tao.

Kaya sa ating botohan ngayong araw, isipin natin ng husto kung sino ang ilalagda natin sa balota. Dapat isang servant leader—mapag asikaso sa nakararami at hindi sa sarili o sa mga kaibigan o kamag-anak. Isang mabuting pastol—tulad ng inilahad ng Panginoong Hesus sa Gospel kahapong Linggo. Isang bukas palad at masakripisyo para sa nakararami.

Miting de Avance

Katawa tawa at ang kampo ng dalawang frontrunners ay sabay nagsigawa ng miting de avance nung Sabado—last day ng kampanya. At kapansin pansin na tila ayaw ng isa’t isang mapalayo sa kanilang mga venues.

Yung sa kampo ni Leni-Kiko ginanap ang miting de avance (MDA) sa Ayala triangle sa puso ng central business district—kaya nga palaga ito inaakusahang elitista at ano pa man. Punong puno talaga ang Ayala Avenue, Paseo de Roxas, Makati Avenue at pati mga side streets, umaabot pa sa bahagi ng Gil Puyat.

Yung kay Ferdinand Marcos Jr. naman ay sa empty lot sa tabi ng Solaire Hotel na kadalasa’y ginagamit noong pandemic na tented quarantine facilities. Katabi nito’y iba pang mga casino hotels—Okada at City of Dreams. Kapansin pansin na ang kampo ni Marcos Jr. ay nasa sentro ng casino strip. Samantalang ang kay Leni-Kiko sa sentro ng Negosyo. Doon pa lang makikita na ang focus ng dalawa ay kakaiba—yung isa ay seryoso sa Negosyo at ekonomiya at yung nama’y sentro ng sugal at bisyo.

Tapos pagdating sa bilang ng mga attendees tila may paligsahan pa. Kitang kita naman sa mga drone shots na ang kampo ni Leni’y nakabuo ng mahigit isang milyong attendees at supporters ngunit yung kay BBM ay aalog alog pa ang mas maliit na venue, ngunit ni report nil ana umabot ng 1 milyon. Sino kaya ang nagsasabi ng totoo. Yung isa may pruweba—mga drone shots at bilang ng pulis. Pero yung isa ay eye level shots na pinalabas na panoramic para magmukhang super dami. Pati ba naman dito’y magkakadayaan pa!

Ngayong halalan, bantayan ng husto ang inyong mga balota, huwag ipahawak kaninoman para hindi ma tamper at ma invalidate to favor one candidate.

Sa mga kakampinks, para hindi mainit sa mata ng mga gwardiya ni BBM huwag magsuot ng pink para hindi nila mapaginitan ang balota niyo. Mahirap na. Kada isang boto kay Leni ay mahalaga.

Sana’y bumoto tayo ayon sa konsyensya, hindi ayon sa personal considerations tulad ng kamag-anak, kaibigan ng kamag-anak or ano pa man, tulad ng perang ibibigay o binigay na. Ang boto natin ay hindi lamang para sa isang araw ngunit para sa susunod na anim na taon at mahigit pa. Ito’y para sa future ng ating Inang Bayan.


More about Community Whispers

Community Whispers by Ray Junia

Why farmers are poor

4 days ago

Community Whispers by Ray Junia

A House divided

3 weeks ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.