Sinasabing ang isa mga palatandaan ng umuunlad na lipunan ay ang kakayahan nitong pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan.
Habang sumusulong sa pagiging moderno ng lipunan, nagkakaroon ito ng kakayahang labanan ang iba't ibang sakit ng katawan at isipan; napalalaganap nito ang serbisyong pangkalusugan sa buong bansa.
Kitang-kita sa ehemplo ng Pilipinas na umuunlad na ang ating serbisyong pangkalusugan at nagtatagumpay tayo sa mahigpit na paglaban sa mga sakit.
Ito'y sapagkat parami na nang parami ang mga Pilipinong tumutuntong sa edad na 80, 90 at maging 100. Tulad ng Japan, ang Pilipinas ay mayroong malaking sektor ng senior citizens (mula 60 anyos pataas) na nangangailangan ng pagkalinga ng gobyerno.
Bagong batas sa elderly
Dati-rati, ang national government ay nagbibigay ng cash gift lamang sa mga mamamayan na umabot sa 100 ang edad. Ang anyo ng pagkilalang ito ay nagkakahalaga ng P100,000. Ang dahilan ng assistance ay upang maipabatid sa mga nakatatandang sigluhan na nagpapasalamat ang pamahalaan sa kanilang napakahabang serbisyo sa lipunan.
Gayunpaman, napuna ni Senadora Imee Marcos na kakaunti pa rin ang mapalad na mga Pilipinong umaabot sa edad na 100.
Ang pinakasikat dito ay si Secretary Juan Ponce Enrile na talagang antigo na sa edad na 102, at hanggang ngayon ay matikas, malakas at matalino pa rin bilang Senior Presidential Legal Adviser.
Kaya nga, sinuportahan at inisponsoran ni Senator Imee sa plenary ng Senado ang panukalang batas na naging Republic Act 11982, kilala bilang Expanded Centenarians Act of 2024.
Masayang sabi ni Imee: "Good news, mga senior! Hindi na kailangang maghintay ng isang siglo para makatanggap ng cash gift mula sa gobyerno."
Dahil sa RA 11982 na isinulong ni Senadora Imee Marcos, hindi lang mga centenarian ang may insentibo---pati na rin ang mga senior na edad 80, 85, 90, at 95 years old, may matataggap nang P10,000 bawat isa!
Syempre, ang mga makakaabot ng 100 years old, dasurv pa rin ang P100,000!
Pay out nagsimula na
Sinimulan ng pamahalaan ang malawakang pay out sa mga seniors na nabanggit sa Malacañang Palace noong Pebrero 26, 2025.
"Hindi na natin kailangang hintayin ang 100 years old kasi alam naman nating kakaunti na lang ang umaabot sa ganyang edad. Ngayon, siguradong mas maraming lolo't lola ang makikinabang," ani Imee Marcos.
Ang pamamahagi ng cash gift sa ilalim ng batas na ito ay isinasagawa ng National Commission of Senior Citizens (NCSC). Ang mga qualified na seniors maging nakatira man sa Pilipinas o sa abroad, ay makatatanggap ng cash gift na ito.
Ang mga nakarating sa 100 anyos naman, bukod sa pera, ay bibigyan ng liham ng pagbati mula sa Pangulo ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay marami na ang mga elderly na naging beneficiaries ng batas na ito, at tuwing makikita nila si Senator Imee Marcos sa kanyang pangangampanya sa buong bansa bilang reeleksiyonistang senador, ay halos maluha sila sa pagpapasalamat, lalo na ang mga lola.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #CoverStory #NCSC