Sagian ng motorsiklo, nauwi sa barilan
OpinYon Laguna

Sagian ng motorsiklo, nauwi sa barilan

Mar 12, 2025, 2:19 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Payo sa mga motorista: sa init ng panahon ngayon, huwag kaagad pairalin ang init ng ulo.

Isang motorista ang nasugatan matapos pagbabarilin ng kapwa niya motorista na nakasagian niya sa Calamba City, Laguna madaling-araw ng Lunes, March 5.

Dinala sa ospital sa Calamba City ang biktima na kinilala lamang sa alyas na "Ken" matapos magtamo ng tama ng bala sa likuran at tiyan.

Ayon sa ulat ng Calamba City Police Station, pauwi na umano galing sa inuman si "Ken" kasama ang isang hindi pinangalanang saksi nang huminto muna sila sa isang gasolinahan sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Makiling.

Ipinaparada umano ng biktima ang kanyang motorsiklo nang aksidente niyang masagi ang isa pang motorsiklo na nakaparada rin sa nasabing lugar.

Kaagad naman umanong humingi ng paumanhin sina "Ken" sa tatlong sakay ng motorsiklong nasagi nila.

Ngunit nang paalis na ang biktima sa naturang lugar ay bigla umanong bumunot ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril ang driver ng nakasagian nilang motorsiklo at pinagbabaril sila nang tatlong beses.

Isang follow-up operation ang ikinasa ng mga awtoridad upang mahuli ang mga suspek na kaagad tumakas papunta sa direksyon ng Barangay Milagrosa matapos ang krimen.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.