Rider, nahulog sa ilog!
Death

Rider, nahulog sa ilog!

May 25, 2026, 2:57 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Paalala sa mga motorista: Mata sa kalsada, huwag sa gadgets.

Binawian ng buhay ang isang motorcycle rider matapos mahulog sa ilog sa Carmona City, Cavite nakaraang Lunes, May 18.


Idineklarang dead on arrival sa Pagamutang Bayan ng Carmona ang biktima na kinilalang si alyas "Ely," 23 anyos at residente ng Barangay Milagrosa ng nasabing lungsod.


Ayon sa paunang ulat ng Carmona City Police Station, naganap ang aksidente bandang 12:40 ng hatinggabi sa bahagi ng Congressional Road sa Barangay Cabilang Baybay.


Sa kuha ng CCTV camera sa nasabing lugar, nakunan ang biktima na gumagamit umano ng cellphone habang nagmamaneho papunta sa direksyon ng Carmona City proper.


Sa sobrang babad niya sa kanyang cellphone ay hindi umano niya napansin na papalapit na pala siya sa isang tulay na may awang sa gilid.


Dahil dito ay dumiretso sa awang si "Ely" hanggang sa tuluyan siyang nahulog sa ilog.


Kaagad rumesponde ang mga tauhan ng Carmona Rescue Team sa nasabing aksidente, ngunit hindi na rin umabot nang buhay sa ospital ang biktima.


Tumanggi naman ang mga kaanak ng biktima na isailalim sa autopsy ang kanyang bangkay, sa paniniwalang isang self-accident ang nangyari.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.