Rider, dedo sa lubak
Accidents

Rider, dedo sa lubak

Jul 8, 2024, 6:39 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Hindi lang perwisyo sa motorista ang mga lubak sa kalsada, nakamamatay pa ito.

Ito ang masaklap na sinapit ng isang motorcycle rider na nasawi sa Santa Rosa City, Laguna nitong nakaraang Linggo, June 30.

Kinilala ng Santa Rosa City Police Station ang biktima na si Michael Noveno Acenita, 43 anyos at residente ng Santa Ana, Manila.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ni Acenita ang kahabaan ng National Highway sakay ng kanyang motorsiklo nang, sa bahagi ng Barangay Dila sa nasabing lungsod, ay dumaan siya sa isang lubak sa kalsada dahilan upang sumemplang siya.

Tinangka pa siyang iwasan ng isang closed van na sumusunod sa kanya ngunit hindi na naiwasan ng driver nito na kinilalang si Hamer Villamayor Diaz na bumangga sa kanya.

Dead on the spot si Acenita matapos magtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Nasa kustodiya naman ng Santa Rosa City police si Diaz na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #RoadAccident


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.