Isang motorcycle rider ang nasawi matapos bumangga sa isang kotse sa Santa Rosa City, Laguna nitong nakaraang Linggo, December 15.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na kinilala sa alyas na "Efrecinio," 49 anyos, may asawa at residente ng Barangay Mamatid, Cabuyao City, Laguna.
Sa ulat ng Santa Rosa City Police Station, naganap ang aksidente bandang madaling-araw ng Linggo malapit sa isang subdivision sa Barangay Dita ng nasabing lungsod.
Binabaybay umano ni "Efrecinio" ang kahabaan ng National Highway sakay ng isang itim na Suzuki Motorcycle nang bumangga siya sa isang Toyota Innova na minamaneho ng isang "Hendrix," 55 anyos at residente ng Barangay Malitlit, Santa Rosa City, Laguna.
Isinugod pa sa ospital ang motorcycle rider ngunit pumanaw rin siya habang nilalapatan ng lunas.
Naaresto naman ng mga awtoridad ang driver ng Innova na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.
(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews