Resort-hotel sa Mauban, isinara dahil sa malaswang palabas
Quezon

Resort-hotel sa Mauban, isinara dahil sa malaswang palabas

Jan 6, 2022, 2:58 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Ipinasara ng lokal na pamahlaan ang isang resort-hotel dahil sa patong-patong na kaso.

MAUBAN, Quezon- Ipinasara ng lokal na pamahalaan ng bayang ito ang isang resort-hotel dahil sa paglabag sa Article 201 (2) (b) ng Revised Penal Code o pagpapalabas ng malalaswang mga palabas at hindi pagsunod sa minimum public health standards.

Ayon sa pahayagng Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa kanilang Facebook page, hinainan ng Business Closure Order kamakailan ang Ikosan Resort Hotel dahil sa hindi pagsunod sa umiiral na curfew hours at sa mga pag-iingat laban sa pagkalat ng Covid-19.

Noong December 7 ay nag-request ang nasabing resort na magsagawa ng foam party, ngunit hindi ito inaprubahan ng BPLO.

Sa kabila ng hindi pag-apruba, itinuloy pa rin nito ang aktibidad.

Ayon pa sa BPLO, nilabag din ng hotel ang Section 3A.03 (f) ng Revenue Code ng bayan ng Mauban, dahil sa pag-abuso sa pribilehiyong magnegosyo matapos gamitin ang puwesto bilang lugar ng prostitusyon.

Tags: #MaubanQuezon #IkosanResortHotel #opinyonquezon #opinyonnews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.