Panelo Said
Panelo said

Red Cross an invaluable partner in gov’t vax program

Aug 21, 2021, 6:06 AM
Attorney Salvador Panelo

Attorney Salvador Panelo

Author

Counterpoint on Health protocols for returning OFWs, Red Cross: Invaluable partner in Covid-19 vaccination program, Pregnant women should get vaccinations and on Clarifications on President’s remarks to Commission on Audit

(Compiled by OpinYon Researcher Inalou Facun, based on "Counterpoint" August 20, 2021 episode)

Health protocols for returning OFWs

"Ang sabi ni Sec. Delfin Lorenzana ng Department of National Defense, ipatutupad ng mahigpit ng IATF ang lahat ng mga health and safety protocol sa mga bumabalik na overseas Filipinos upang mahadlangan po ang pagkalat ng coronavirus."

"At ito daw pong mga derektibang ito, eh isinagawa na nang mga border sa mga cluster. Sang-ayon sa kanya, tiniyak naman ng lahat na kinauukulang tanggapan ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health and safety protocols sa mga dumadating nating mga kababayan lalo na iyong mga nagmula sa mga bansang matataas ang bilang ng Covid-19 cases."

Red Cross: Invaluable partner in Covid-19 vaccination program

"Iyon pong Philippine Red Cross sa pangunguna ni Senador Dick Gordon, eh tuloy-tuloy po ang kanilang pagiging aktibong kasama at kaalyado ng gobyerno dito sa pagbabakuna kabilang na ang mga buntis na nasa kanilang unang trimester ng pagbubuntis."

"Kaya hinihikayat ng Philippine Red Cross na magpabakuna ang lahat ng mga bagong manganganak na mga ina pati na iyong mga buntis upang magkaroon sila ng proteksyon laban sa Covid-19."

Pregnant women should get vaccinations

"Sang-ayon sa World Health Organization, iyong benepisyo ng bakuna eh malaki ang maibibigay sa mga babaeng buntis sapagkat sila eh mataas ang risk o panganib sa Covid-19."

"Sa ngayon po ang mga aprubadong bakuna ng Department of Health para sa mga ina eh Pfizer, Moderna, Sinovac, Aztrazeneca at Janssen.”

Clarification on President’s remarks to Commission on Audit

"Ano ba talagang sinabi ni Presidente Duterte?

Ang sinabi ni Presidente, huwag munang ilalabas ng COA sa media iyong mga preliminary findings sapagkat pag iyan ay inilabas sa media, ang perception ng tao parang mga corruption, parang incompetence, in fact iyon na nga ang nangyayari."

"Para sa akin gawin ng mga taga COA ang trabaho nila. Walang problema doon. Precisely kaya nga may independent agency the purpose of which is to audit."

"Pero hangga’t maaari sana ay nakumpleto na ang findings at mga paliwanag ng concerned agencies bago ito mailabas sa media para maiwasan ang kalituhan."


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.