Quezonin, ayaw ng Sinovac
Quezon

Quezonin, ayaw ng Sinovac

Nov 29, 2021, 5:34 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

NAIS naming ihatid ang isang malungkot na balita.

Aabot sa 37,000 Sinovac COVID-19 vaccine ang nabuburo sa lalawigan ng Quezon dahil sa vaccine hesitancy at pagpili ng brand ng bakuna ng mga Quezonin.

 
Ayon sa pahayag ni Dr. Tiong Eng Roland Tan, Assistant Department Head ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng Quezon province, kapag nalaman ng mga residente na Sinovac ang ituturok ay umaalis ang mga tao sa pila.
 
 
Ayon naman kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., na dumalo sa presentasyon sa Batangas City, "major contribution" ang mga Sinovac vaccine sa pagbabakuna ng publiko sa bansa.
 
 
Dagdag pa ni Galvez, kung hindi bumili ang pamahalaan ng Sinovac, wala pa sa kalahati ang nabakunahan sana.
 
 
Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsiya-shuffle ng mga brand ng bakuna sa bansa dahil umano sa pamimili ng ibang Pilipino ng mga COVID-19 vaccine ng Pfizer at Moderna.

Dapat isaisip ng mga mamamayang Pilipino, hindi lamang sa Quezon kundi maging sa buong bansa, na ang pinakamahusay na COVID-19 vaccine ay iyong nasa herenggilyang ituturok na lamang sa iyong braso.

Kahit ano ba ang brand, basta pumasa sa World Health Organization at sa ating Food and Drug Administration, OK yan.

Ang mahalaga ay maraming mabakunahan upang tuluyan na nating magapi ang COVID-19.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.