Quezon province, bagong 'Cacao Capital' ng Pilipinas?
Quezon

Quezon province, bagong 'Cacao Capital' ng Pilipinas?

Feb 23, 2024, 2:27 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

Gayong pagniniyog ang kinikilalang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga magsasaka sa lalawigan ng Quezon, isinusulong ngayon ng mga opisyal dito na makilala rin ang lalawigan sa industriya ng cacao.

Ito ang naging pangunahing agenda sa 1st Quezon Cacao Summit 2024 na pinangunahan ni Provincial Agriculturist Dr. Liza Mariano at Quezon Governor "Doktora Helen" Tan nitong Lunes, February 19.

Ibinida sa nasabing summit ang iba't ibang produktong galing sa Cacao tulad ng mga tsokolate, pagkain, inumin, at iba pa.

Layunin ng nasabing programa na mabigyang suporta ang mga magsasakang Quezonian na nagtatanim ng cacao upang mas mapalakas at mas mapaunlad ang kalagayan ng kanilang sektor.

Ayon kay Governor Tan, patuloy na aalalayin ng Pamahalaang Panlalawigan at iba pang mga tanggapan ang pangangailangan ng mga magsasaka upang maging sustenable ang produksyon ng kakaw, niyog, at iba pang agrikultural na produkto ng probinsya.

(Jane Hernandez)

#WeTakeAStand #OpinYon #QuezonProvince #CacaoCapital

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.