Quezon LGU, naglabas ng guidelines para sa Alert Level 3
Quezon

Quezon LGU, naglabas ng guidelines para sa Alert Level 3

Jan 14, 2022, 3:30 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Nilagdaan na ni Quezon Governor Danilo Suarez ang Executive Order No. 02 Series of 2022 nitong Huwebes (January 13) matapos ianunsyo ni Spokesperson Sec. Karlo Nograles ang pagsasailalim ng lalawigan sa Alert Level 3 mula January 14 hanggang 31.

Nilagdaan na ni Quezon Governor Danilo Suarez ang Executive Order No. 02 Series of 2022 nitong Huwebes (January 13) matapos ianunsyoni Spokesperson Sec. Karlo Nograles ang pagsasailalim ng lalawigan sa Alert Level 3 mula January 14 hanggang 31.

Ayon sa EO, maaaring lumabas ang mga may edad 18 pababa upang bumili ng mga essentials at ang mga hindi bakunado ay pinapayuhan na manatili lamang sa loob ng tahanan.

Magpapatuloy sa operasyon ang mga government agencies na may 50 porsiyentong on-site capacity habang ang kalahati ay work from home.

Ang mga business establishments ay pinapayagan ang 30 porsiyentong indoor venue capacity at 50 porsiyento sa mga outdoor venue capacity. Ito rin ay naaayonsa patakaran ng Department of Trade and Industry (DTI).

Mahigpit din na ipatutupad ang paggamit ng face shields sa mga ospital at health facilities.

Ipinagbabawal naman ang face-to-face classes maliban sa aprubado ng IATF.

Gayundin, ipinagbabawal ang contact sports, kid amusements o perya, mga lugar na may live band, casino, horse racing, gaming establishments, maliban sa pinapayagan ng IATF o Office of the President, at pagtitipon sa mga tahanan na hindi miyembro ng pamilya.Ang mga ito ay itinuturing na ‘high risk.’

Samantala, ang pagtatakda ng granular lockdown ay ipinauubaya sa mga mayor ng lungsod at munisipalidad.

Pinapayuhan ang lahat na ugaliing dalhin ang vaccination card tuwing lalabas ng bahay.

Tags: #quezon, #opinyonnews


More about Quezon

Lucena City now under Alert Level 1

Lucena City now under Alert Level 1

a month ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.