Hindi pinalampas ng mga senior citizen at persons with disability (PWD) ang pagkakataon na magkaroon ng hanapbuhay sa Job Fair na inilunsad ng pamahalaang lungsod ng San Pedro City, Laguna noong November 13 sa Robinsons Galleria South Mall.
Ayon sa datos na ibinigay ng pamahalaang lungsod sa OpinYon Laguna, 71 sa 220 registered applicants ang hired on the spot, o katumbas ng 32 porsiyento ng mga aplikante, habang umabot naman sa 109 ang senior citizens na nag-apply ng trabaho, habang 65 naman ang registered PWD job applicants. Nakiisa sa nasabing event sina San Pedro City Mayor Art Mercado at Councilor Bernadeth Olivares, na nagsulong ng local ordinance na naghihikayat sa mga negosyo sa lungsod na mag-hire ng mga seniors at PWDs.
(Larawan mula kay Catherine Go)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #JobFairforPWDandSeniors