PUP Pakil Campus soon?
Education

PUP Pakil Campus soon?

Apr 23, 2024, 3:00 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Hindi na kakailanganin pang pumunta ng Maynila ang mga estudyante mula sa silangang bahagi ng Laguna upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ito'y matapos makipagkasundo ang lokal na pamahalaan ng Pakil, Laguna at ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) upang magtatag ng isang branch ng pamantasan sa naturang bayan.


Pinangunahan noong Biyernes, April 12, nina Pakil Mayor Vince Soriano at PUP President Dr. Manuel Muhi ang paglagda sa isang memorandum of agreement sa pagtatayo ng PUP-Pakil Campus.


Sa ilalim ng naturang MOA, nakatakdang ialok ang naturang mga kurso sa PUP-Pakil: BS in Information Technology; BS in Business Administration; BS in Entrepreneurial Management; at Bachelor of Public Administration.



Inaasahang magsisimula sa January 2025 ang klase sa PUP-Pakil Campus, habang nangako naman si Soriano na maglalaan ng temporary classrooms ang pamahalaang bayan ng Pakil habang itinatayo ang mga gusali nito.


Sa kasalukuyan ay mayroong apat na campuses ang PUP sa lalawigan ng Laguna, na matatagpuan sa mga lungsod ng San Pedro, Biñan at Santa Rosa at sa bayan ng Calauan.

#WeTakeAStand #OpinYon #PUP #PUPPakilSoon #Education


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.