Labis ang pasasalamat ng Sama Badjao community ng Lucena City sa “community pantry” na inihandong ng kapulisan ng lungsod para sa kanilang barangay kamakailan.
Patuloy ang suportang ginagawa ng kapulisan ng Lucena City sa pagtataguyod ng Community Pantry sa 33 barangay sa naturang lungsod.
Naging matagumpay ang kanilang idinaos na Barangayanihan Activity para sa Sama Badjao community sa Barangay Narra kamakailan.
Sa pamamagitan ng kanilang community pantry, nakapagpaabot ang Lucena City PNP ng mga gulay, itlog, bigas, mga de lata at iba pang mga pagkain sa mga Badjao.
Naging katuwang din ng kapulisan ng lungsod ang mga tauhan ng Quezon Irrigation Management Office gayundin ay nakiisa rin sa aktibidad na ito ang Sangguniang Barangay Barra sa pangunguna ni Kapitana Amelia Sobrevinas at mga opisyales ng naturang barangay.
Labis naman ang pasasalmat ng punong barangay Amelia Sobrevinas at ng buong komunidad ng Sama Badjao sa naturang proyekto.
Ayon naman kay Lucena City PNP Chief PLt. Col. Romulo Albacea. ang nasabing programa ay magtutuloy-tuloy sa ibat-ibang lugar sa Lungsod upang masuportahan ang mamamayang Lucenahin na naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19.(JV/Kasama ang ulat mula sa Lucena City Public Information Office)
Tags: #OpinYonQuezonin, #LucenaCity, #LucenaPNP, #communitypantry

